Linggo, Pebrero 19, 2012

BATANGAS!

SIKAT ANG BATANGAS (Matabungkay Beach Resort)

Sapul nang ako ay magkaisip nakagisnan ko na ang pagpunta tuwing Mahal na Araw sa Matabungkay Beach.  Syempre kasama ang buong pamilya pati na ang ilan sa mga kamag-anak ng aking ina. Sa mura kong pag-iisip lagi kong tanong sa aking nanay, “Bakit sa Matabungkay Beach eh ala namang bago.” O kaya, “Ma, ala na bang iba tayong pwedeng puntahan? Sawa na kami dun eh!” Na bubuntutan namin ng malakas na tawanan.. Lagi namang sagot ng aking tatay, “Dun na lang para malapit tsaka maganda naman ah..” Ngayon ko lang napagtantong kaya pala dun lagi nagpaplano ng outing ang aking mga magulang ay dahil sa mura nitong entrance fee. Sa laki ng aming pamilya, abot na abot ng budget ng aking mga magulang ang lahat ng aming magagastos  sa naturang beach. Ngayon ko lang din naisip  na hindi lamang murang entrance fee ang habol ng aking mga magulang, gusto din nilang makita namin ang ganda ng Matabungkay. Alam nyo bang maraming mga local at foreign tourists ang nagpupunta dito taun-taon. At marami na ring mga pelikula ang kinunan dito.
matabungkai-beach-coast
Matabungkay has the finest whitesand on it's coast
Ang Matabungkay Beach ay may angking 2 kilometrong pino at puting buhangin. Maganda ding pagmasdan ang paglubog ng araw dito. Ang mga turistang dumarayo dito ay natutuwa dahil sa mga murang accommodations ng resort. Ang Matabungkay Beach ay matatagpuan sa bayan ng Lian, at sinasabing kaharap ng China Sea. Alam nyo bang kaya din kami lagi nagpupunta dito ay dahil pwedeng magdala ng sariling pagkain dito. Ang mga pamilyang may small budget ay pwedeng magdala ng iihawing barbeque o kaya nama’y isda at dalhin sa kanilang mga rented open cottages. Pwede din silang magdala ng iba’t ibang pagkain na magustuhan nila.
matabungkay_beach
With this eye popping scenery, what more could you ask for?
Ang iba ay maaari namang kumain  sa shaded raft na nakalutang sa di kalayuan sa may dagat. Tulad ng makikita ninyo sa mga pelikula at teleserye na inyong napapanood. Sa mga taong may nakalaang mataas na budget, maaari silang pumili sa mamahaling resort na nakahilera sa kahabaan ng beach. Ilan lamang ang Al Fresco beach Resort atMatabungkay Beach Resort and Hotel sa mga ito. Sulit din naman ang inyong budget dahil ang mga ito ay may nagagandahang cottages at rooms para sa ilang araw na accommodations. At syempre may good service silang i-oofer. Maaari din naman kayong mag island hopping. Marami ring mga for hire na bancas na nakatigil sa baybayin na maglilibot sa inyo sa mga karatig lugar na makikita di kalayuan sa resort. Ang lugar na ito ay malimit pagdausan ng iba’t ibang water sports. Kabilang na dito ang fishing, swimming at kayaking.
How to Get There?
If you are from Manila, take south superhighway and exit at Santa Rosa or Silang. Turn right and follow the sign to Tagaytay. From Tagaytay, head to the direction of Nasugbu. After km 92, turn right to Nasugbu and Lian. At the shell station turn left to Lian and Calatagan. Follow the road to Calatagan until you see a big signboard at the right side that indicates Matabungkay beach resorts. Turn right and drive up to the end of the cement road pointing the beach. There you will easily find your way to the Matabungkay Beach Resort.

SIKAT ANG BATANGAS (Kabayan Beach Resort Laiya, San Juan Batangas)

Naumpisahan ko na rin lang ang pagsusulat tungkol sa mga sikat na beach resort sa Batangas, heto at dagdagan pa natin. Tamang tama kasi ang topic na to bukod sa summer na ngayon, nalalapit na rin kasi ang Mahal na Araw diba? Ibig sabihin mahaba habang bakasyon para sa ating lahat. Malamang nga sa mga panahong ito mahirap ng maghanap ng available resorts. Malamang punuan na lalo na yung mga sikat na resorts ditto sa Batangas. Almost fullybook na lahat ng mga schedules especially yung overnight yun kasi yung time na marami ang nagpapareserve, mas masarap kasi magswimming sa gabi diba? Iwas init ng araw. Kung kaya malamang.. swertihan nalang ang pagpapareserve sa mga beach resorts ngayon.
Kung swertihan din lang naman ang labanan, siguradong seswertihin kayo sa KABAYAN BEACH RESORT, located in Laiya, San Juan Batangas. Swerte dahil bukod sa maganda ang resort na ito, sulit pa dahil sa mga recreations at iba pang mga maaaring gawin habang nagbabakasyon dito.
Kabayan Coast
Ang KABAYAN BEACH RESORT ay nagumpisa lamang sa 2 fan cottages at isang tent. Pero dahil sa dami ng kanilang mga tagatangkilik lalo na pag sumasapit ang peak season, nadagdagan ng nadagdagan ang mga ito at umaabot na sa 19 fully airconditioned cottages at nakapagtayo na rin ng isang multi-purpose hall na maaring gamitin sa mga pribado at corporate events tulad ng Parties, kasal, seminars, team buildings atbp.
Ang KABAYAN BEACH RESORT din ang kaunaunahang beach resort na naitayo sa kahabaan ng Laiya, San Juan Batangas Coast. At kung inaakala niyong tanging sa Boracay lamang kayo makakaranas ng white sand nagkakamali kayo. Dahil ang buong kahabaan ng Kabayan Beach Resort Coast ay napapaligiran ng puting buhangin. Hindi na ito nalalayo sa buhangin ng Bora, kaya maari na itong maging alternatibo gimikan ng mga taga maynila na nagnanais makaranas ng white beaches.
Kabayan Nipa
Kung sa ibang resort bawal ang magdala ng sariling pagkain, sa Kabayan Beach Resort maari kayong magdala ng alinman sa nanaisin ninyong lutuin o pagkain, wag lang siguro kayong magihaw ng isang buong kalabaw… Sa ibang beach resort kasi kailangan pa ninyong magbayad para sa mga Buffet Foods na medyo may kamahalan hindi ba o kung hindi naman kailangang sa kanila ka mismo bumili ng mga pagkain na kakainin mo, which is mas magastos kesa sa ikaw mismo ang magluluto para sa pamilya mo.
Kung sawa na kayo sa kakaligo sa beach, maari rin kayong gumamit ng swimming pool, yun nga lang may extra charge ito pero very affordable naman ang price. At kung sawa na talaga kayo sa kakaswimming, yung tipong ayaw na ninyong madampian ng kahit katiting na tubig sa katawan, maari kayong mag beach volleyball, massage, kayak, Cove Hopping, Hiking/Trekking, Billiards at meron din silang playgrounds na para naman sa mga bata.
SIKAT ANG BATANGAS (Acuatico Beach Resort)
Sa kakahanap ko ng magandang beach resort sa bandang Laiya Batangas nakita ko ang Acuatico Beach Resort sa 2009 year-end Google Zeitgeist:  Philippines.  Ang Acuatico Beach resort ay kasalukuyang nasa ikatlo kasunod ng Baler at Amana resort na matatagpuan naman sa Aurora at Bulacan ayon sa pagkakasunod bilang top local travel destinations dito sa Pinas.
Acuatico Resort1
Ang beach resort nagmula ang pangalan nitong ACUATICO ay katumbas ng “tubig” sa wikang Espanyol. Ang Acuatico Resort ay may ipinagmamalaking infinity-edge pool na may sukat na 700sqm. na kung titingnan mo ang pool na ito mula sa malayo, para na rin itong bahagi sa asul na tubig ng katabi nitong dagat. Ang Infinity Pool ay mayroong isang Jacuzzi, isang kiddie pool at isang bar na nakalutang sa gitna ng pool.
Acuatico Beach Resort offers Balinese-inspired villas na may world class na mga kasangkapan at mga pasilidad na angkop para sa mga tourista at mga bisita na gustong mag-relaks, gayundin ang pinakamasasarap na pagkain at mga cuisine upang maging angkop sa kanilang panlasa.
Acuatico offers state-of-the-art facilities and amenities such as:
  • Modern Balinese-design villas with rooms carefully angled to give guests a spectacular view of their choice: the mountain or the sea.  Each room is fully furnished.o Deluxe guestroom amenities & toiletries
    o Wall-mounted 32” LCD television with satellite system
    o IPOD docks with Alarm Clocks in selected rooms
    o Air Conditioning System
    o Multi-point water-heating system
    o Telephone system
    o Resort-wide wi-fi internet access
  • An infinity-edge pool, the only facility of its kind in Laiya. With Jacuzzi and a kiddie pool.
  • A floating bar at the center of the pool
  • Day Tour areas with special attractive features
  • A restaurant and dining area affording a panoramic view of the infinity pool.
  • Well-manicured tropical garden
Acuatico Resort2
Mayroon din silang serbisyo tulad ng Local spa therapists at Laundry.  Guests could also enjoy sunbathing or avail the free kayaks and other water activities during daytime.
Kung itatanong nyo naman kung gano ba ka secure ang lugar. Sinisiguro ng Acuatico Resort Management ang kanilang 24 hour security program kaya naman siguradong nasa mabuting kamay kayo at ang pamilya mo habang kayo ay nagbabakasyon sa  resort na ito. Wala kayo ibang iisipin kundi ang maglaro, maglibang at ienjoy ang pag stay nyo dito  dahil safe na safe kayo. Bukod dito mayroon din silang stand-by power generator na kahit magkaroon ng power failure, siguradong hindi maaapektuhan ang kanilang operasyon.

Mt. Talamitam (Nasugbu Batangas)

Mt. Talamitam is one of the great mountains here in Batangas. It lies in between Mt. Batulao and Pico de Loro. The summit of Mt. Talamitam offers a great view of Mt. Batulao. When viewed from Talamitam’s south-east side, para itong horse-shoe-shaped mountain range in the middle of a vast plain. On My perspective, I think the summit of Talamitam offers a slightly more spectacular 360-degree view of the Batangas landscape than the one offered by Mt. Batulao.
Mt. Talamitam is not a public park and within its slopes lays plantation areas and farmlands. During the trek, the trail passes by private lands so observe proper courtesy and conduct. The summit is also not that far from the villages within the slope of the mountain so any loud noises should be avoided especially during the night.
Sa taas nitong 630 MASL, ang Mt. Talamitam ay nasa kategoryang Minor climb, na may Difficulty 3/9, Trail class 1-3 with steep
Mt.Talamitam
a view of Mt. Talamitam during our day hike
assault (100m). Ibig sabihin hindi ito mahirap akyatin. Kahit sinong wala pang karanasan sa pagakyat ng mga bundok ay maaring humamon dito. Lalo na ngayong summer vacation siguradong marami sa atin ang mamumundok. At kung kayo ay aakyat ng Mt. Talamitam, nais ko lang ipabatid na magingat kayo sa pagbaba ng Mt. Talamitam dahil recently lang ay napagtanto ng grupo na nakakalito na ang bagbaba dito dahil sa spaghetti trail na nangyari daming daan daming butas. Sinasabing para mapadali ang trail ngunit ang nangyayari eh nakakasama pa lalo sa mga climbers ang sitwasyon. mahalaga pa rin talaga ang pag gawa ng trail sign. tandaan ang mga lugar na dapat daanan. ingat din sa lugar na maraming taniman at nag kalat ang mga asong gala. hahabulin kayo pramis. kaya nyo naman tumakbo ng may dalang fulpak eh. kaya ok lang yun. durog nga lang ang likod mo. hahaha! Ok naman ang climb basta yun lang ulit.. MAG INGAT SA MGA ASO!! Mag mulang arko papuntang taniman may mga ASO! Mag pavaccine na kayo ng anti rabies para ok! Precaution lang.
Other than that, masaya ang huling akyat ko sa Mt. Talamitam kasama ng aking mga kagrupo. Siguradong babalik akong muli dito. Sulit, sa halagang 800 pesos na budget(maluho na yan). Ang makapiling ang natural na ganda ng mga bundok gayundin ang kapayapaang ibinibigay nito ay hindi kayang ibigay ng sinehan at mga mall. Subukan nyo at makikita nyo ang mga sinasabi ko. Mula sa hangin, tao, hayop, halaman, puno at tubig. Iba talaga.

BATANGAS!

SIKAT ANG BATANGAS (Matabungkay Beach Resort)

Sapul nang ako ay magkaisip nakagisnan ko na ang pagpunta tuwing Mahal na Araw sa Matabungkay Beach.  Syempre kasama ang buong pamilya pati na ang ilan sa mga kamag-anak ng aking ina. Sa mura kong pag-iisip lagi kong tanong sa aking nanay, “Bakit sa Matabungkay Beach eh ala namang bago.” O kaya, “Ma, ala na bang iba tayong pwedeng puntahan? Sawa na kami dun eh!” Na bubuntutan namin ng malakas na tawanan.. Lagi namang sagot ng aking tatay, “Dun na lang para malapit tsaka maganda naman ah..” Ngayon ko lang napagtantong kaya pala dun lagi nagpaplano ng outing ang aking mga magulang ay dahil sa mura nitong entrance fee. Sa laki ng aming pamilya, abot na abot ng budget ng aking mga magulang ang lahat ng aming magagastos  sa naturang beach. Ngayon ko lang din naisip  na hindi lamang murang entrance fee ang habol ng aking mga magulang, gusto din nilang makita namin ang ganda ng Matabungkay. Alam nyo bang maraming mga local at foreign tourists ang nagpupunta dito taun-taon. At marami na ring mga pelikula ang kinunan dito.
matabungkai-beach-coast
Matabungkay has the finest whitesand on it's coast
Ang Matabungkay Beach ay may angking 2 kilometrong pino at puting buhangin. Maganda ding pagmasdan ang paglubog ng araw dito. Ang mga turistang dumarayo dito ay natutuwa dahil sa mga murang accommodations ng resort. Ang Matabungkay Beach ay matatagpuan sa bayan ng Lian, at sinasabing kaharap ng China Sea. Alam nyo bang kaya din kami lagi nagpupunta dito ay dahil pwedeng magdala ng sariling pagkain dito. Ang mga pamilyang may small budget ay pwedeng magdala ng iihawing barbeque o kaya nama’y isda at dalhin sa kanilang mga rented open cottages. Pwede din silang magdala ng iba’t ibang pagkain na magustuhan nila.
matabungkay_beach
With this eye popping scenery, what more could you ask for?
Ang iba ay maaari namang kumain  sa shaded raft na nakalutang sa di kalayuan sa may dagat. Tulad ng makikita ninyo sa mga pelikula at teleserye na inyong napapanood. Sa mga taong may nakalaang mataas na budget, maaari silang pumili sa mamahaling resort na nakahilera sa kahabaan ng beach. Ilan lamang ang Al Fresco beach Resort atMatabungkay Beach Resort and Hotel sa mga ito. Sulit din naman ang inyong budget dahil ang mga ito ay may nagagandahang cottages at rooms para sa ilang araw na accommodations. At syempre may good service silang i-oofer. Maaari din naman kayong mag island hopping. Marami ring mga for hire na bancas na nakatigil sa baybayin na maglilibot sa inyo sa mga karatig lugar na makikita di kalayuan sa resort. Ang lugar na ito ay malimit pagdausan ng iba’t ibang water sports. Kabilang na dito ang fishing, swimming at kayaking.
How to Get There?
If you are from Manila, take south superhighway and exit at Santa Rosa or Silang. Turn right and follow the sign to Tagaytay. From Tagaytay, head to the direction of Nasugbu. After km 92, turn right to Nasugbu and Lian. At the shell station turn left to Lian and Calatagan. Follow the road to Calatagan until you see a big signboard at the right side that indicates Matabungkay beach resorts. Turn right and drive up to the end of the cement road pointing the beach. There you will easily find your way to the Matabungkay Beach Resort.

SIKAT ANG BATANGAS (Kabayan Beach Resort Laiya, San Juan Batangas)

Naumpisahan ko na rin lang ang pagsusulat tungkol sa mga sikat na beach resort sa Batangas, heto at dagdagan pa natin. Tamang tama kasi ang topic na to bukod sa summer na ngayon, nalalapit na rin kasi ang Mahal na Araw diba? Ibig sabihin mahaba habang bakasyon para sa ating lahat. Malamang nga sa mga panahong ito mahirap ng maghanap ng available resorts. Malamang punuan na lalo na yung mga sikat na resorts ditto sa Batangas. Almost fullybook na lahat ng mga schedules especially yung overnight yun kasi yung time na marami ang nagpapareserve, mas masarap kasi magswimming sa gabi diba? Iwas init ng araw. Kung kaya malamang.. swertihan nalang ang pagpapareserve sa mga beach resorts ngayon.
Kung swertihan din lang naman ang labanan, siguradong seswertihin kayo sa KABAYAN BEACH RESORT, located in Laiya, San Juan Batangas. Swerte dahil bukod sa maganda ang resort na ito, sulit pa dahil sa mga recreations at iba pang mga maaaring gawin habang nagbabakasyon dito.
Kabayan CoastAng KABAYAN BEACH RESORT ay nagumpisa lamang sa 2 fan cottages at isang tent. Pero dahil sa dami ng kanilang mga tagatangkilik lalo na pag sumasapit ang peak season, nadagdagan ng nadagdagan ang mga ito at umaabot na sa 19 fully airconditioned cottages at nakapagtayo na rin ng isang multi-purpose hall na maaring gamitin sa mga pribado at corporate events tulad ng Parties, kasal, seminars, team buildings atbp.
Ang KABAYAN BEACH RESORT din ang kaunaunahang beach resort na naitayo sa kahabaan ng Laiya, San Juan Batangas Coast. At kung inaakala niyong tanging sa Boracay lamang kayo makakaranas ng white sand nagkakamali kayo. Dahil ang buong kahabaan ng Kabayan Beach Resort Coast ay napapaligiran ng puting buhangin. Hindi na ito nalalayo sa buhangin ng Bora, kaya maari na itong maging alternatibo gimikan ng mga taga maynila na nagnanais makaranas ng white beaches.
Kabayan NipaKung sa ibang resort bawal ang magdala ng sariling pagkain, sa Kabayan Beach Resort maari kayong magdala ng alinman sa nanaisin ninyong lutuin o pagkain, wag lang siguro kayong magihaw ng isang buong kalabaw… Sa ibang beach resort kasi kailangan pa ninyong magbayad para sa mga Buffet Foods na medyo may kamahalan hindi ba o kung hindi naman kailangang sa kanila ka mismo bumili ng mga pagkain na kakainin mo, which is mas magastos kesa sa ikaw mismo ang magluluto para sa pamilya mo.
Kung sawa na kayo sa kakaligo sa beach, maari rin kayong gumamit ng swimming pool, yun nga lang may extra charge ito pero very affordable naman ang price. At kung sawa na talaga kayo sa kakaswimming, yung tipong ayaw na ninyong madampian ng kahit katiting na tubig sa katawan, maari kayong mag beach volleyball, massage, kayak, Cove Hopping, Hiking/Trekking, Billiards at meron din silang playgrounds na para naman sa mga bata.
SIKAT ANG BATANGAS (Acuatico Beach Resort)
Sa kakahanap ko ng magandang beach resort sa bandang Laiya Batangas nakita ko ang Acuatico Beach Resort sa 2009 year-end Google Zeitgeist:  Philippines.  Ang Acuatico Beach resort ay kasalukuyang nasa ikatlo kasunod ng Baler at Amana resort na matatagpuan naman sa Aurora at Bulacan ayon sa pagkakasunod bilang top local travel destinations dito sa Pinas.
Acuatico Resort1Ang beach resort nagmula ang pangalan nitong ACUATICO ay katumbas ng “tubig” sa wikang Espanyol. Ang Acuatico Resort ay may ipinagmamalaking infinity-edge pool na may sukat na 700sqm. na kung titingnan mo ang pool na ito mula sa malayo, para na rin itong bahagi sa asul na tubig ng katabi nitong dagat. Ang Infinity Pool ay mayroong isang Jacuzzi, isang kiddie pool at isang bar na nakalutang sa gitna ng pool.
Acuatico Beach Resort offers Balinese-inspired villas na may world class na mga kasangkapan at mga pasilidad na angkop para sa mga tourista at mga bisita na gustong mag-relaks, gayundin ang pinakamasasarap na pagkain at mga cuisine upang maging angkop sa kanilang panlasa.
Acuatico offers state-of-the-art facilities and amenities such as:
  • Modern Balinese-design villas with rooms carefully angled to give guests a spectacular view of their choice: the mountain or the sea.  Each room is fully furnished.o Deluxe guestroom amenities & toiletries
    o Wall-mounted 32” LCD television with satellite system
    o IPOD docks with Alarm Clocks in selected rooms
    o Air Conditioning System
    o Multi-point water-heating system
    o Telephone system
    o Resort-wide wi-fi internet access
  • An infinity-edge pool, the only facility of its kind in Laiya. With Jacuzzi and a kiddie pool.
  • A floating bar at the center of the pool
  • Day Tour areas with special attractive features
  • A restaurant and dining area affording a panoramic view of the infinity pool.
  • Well-manicured tropical garden
Acuatico Resort2Mayroon din silang serbisyo tulad ng Local spa therapists at Laundry.  Guests could also enjoy sunbathing or avail the free kayaks and other water activities during daytime.